Katatapos ko lang maghugas ng katawan :) Bago matulog. Magkwento muna ako. Mukhang ang tagal ko ng hindi nakakapagkwento eh. Wala din naman masyadong nangyari ngayong araw bukod sa matagal sumakit ang ulo ko. Siguro simula 4pm hanggang ngayon. So kanina nanunuod kami nila ate. Tapos after ko kumain naalala ko iyong binigay samin ni ate badeth na pampaputi daw ng ngipin :D sabi ko kay ate "ate ikaw nga una magtry nun! Dali na." Sagot naman niya "Ayoko ikaw muna. Dali kunin mo. Ako maglalagay sa’yo." Tapos kinuha ko naman. Pinalagay ko sa kanya. Grabe ang engots naming dalawa. I mean ang Ignorante namin gumamit non! Hahaha. Kasi basta ang hirap explain. Edi nalagay lang sa bunganga ko. Mga 30mins din ata ang tinagal. Tas sabi ko tanggalin ko na. Edi si ate tawa ng tawa. Eh kasi parang mouthpiece yun. Edi parang yung nguso ko nakaano :))) kaya niya ako tinatawanan. Edi pagtanggal ko nagtoothbrush ako. Tapos after ko magtoothbrush. Sumakit yung buong ngipin ko na akala mo malalaglag mga ngipin mo. Basta litsi yan sumakit eh. hahaha. Tas sabi ni ate ganon daw yun. Edi hinayaan ko na. Tas after non. Nanuod ulit ako kasi PBB na eh.

Hindi na pala ako nagloload. Ay dee last na nagunli ako nung june 24 pa. Tas hanggang ngayon hindi na ako naguunli. May load naman ako at nakaimmortal din kasi ako. Ewan ayoko lang magunli :) edi ayun. Kapag kasi di ako naguunli paminsan ko lang silipin cellphone ko kung may nagtext ba. Pagtayo ko nakita ko may nagtext. Si Ryan. Classmate ko nung 1st year 1st sem.

Ryan: Magandang gabi sayow! (ako naman nagdadalawang isip kung magrereply, kasi nakaimmortal lang ako eh. Bala na nga)

Me: GM! Lol!

Ryan: Di. Di ka na nagpaparamdam parey eh.

Me: Mukha mo. Gm yan eh Hahaha. La ko load. I mean di ako naguunli eh. :D Immortal lang ganun. Bakit parey? Miss me? HAHAHA. (sarcastic yun)

Ryan: Hindi nga! Parey bakit ba big deal kung gm o nde? Kw tlga. Parang ganon na nga, sayang naman papaload ko araw araw kung wlang ktxt hahahaaay…

Me: Eh di ako namamansin pag gm. Tapos minsan napapaisip ko kung gm pa o pm kaya ginaganun ko kayo. Ayun. Haha. Eh bakit ka ba kasi naguunli? :D (okay kasi kapag may natatanggap akong mga ganong text nagrereply ako “gm!” big ko lang sabihin kung Gm ba yun. hahaha)

Ryan: Kse parang mas special kapag pm, tama? Haha special ka parey, special child hahaha! Kelngan ko magunli tuwing papasok para may contact kina dabid :D

Me: Yup. Ganon na nga. Eh gm naman yang text mo kaya bye na. Whahaha. :D ajuju. Eh db hindi ka pa naman pumapasok?

Ryan: Hindi nga gm parey! Hmpf. Hmpf! Pmapasok na ako parey, super mega late enrol lang :)))

Me: Litsi! Haha. Joke. Ayie ang special ko naman, pero kasi dapat may NAME :))))) ah. Hahaha. ikaw na parey. Oh kamusta naman?

Ryan: Sge sge. O di porket late reply, tamad na ah. Haha. Okay ako josa, kaw??

Me: Good to hear. Me, so far so good \:D/ nagpupuyat kakabasa sa wattpad. Haha! Wala akong sinasabi ah. Haha!

Ryan:Anu ba yung wattpad na yun? Haha.

Me: Mga stories yung parey. Parang manga. Pero yung eattpad walang pictures :D Try mo minsan. Kapag di ka na buseeey. Hoh-hoh.

Ryan: Bout san? Anong mga story? Baka naman puro love.. Haha.

Me: I dunno. May horror. At may mga true storie. But hindi ko pa nababasa. Nasa mga love stories pa aketch eh :D Wattpad na lang nagpapakilig eh. Haha! Joke.

Ryan: Haha. Net ba siya?

Me: Yup. Kaya nga babad ako eh. Kaso grabe eh. Lamo simula 10am-9am ako last time :D tinapos ko talaga yung 600+ pages nung kwento. Pwede mo DL sa ipad/itouch pero di eh sa laptop lang ako.

Ryan: Grabe ka parey mamaya pumayat ka lalo niyan.

Me: Nagkakapimples nga ulit ako eh :D saklap! Naadik kasi ako parey. Pero kagabi, bago magtwelve tulog na ako. Sumasakit kasi mata ko :) 3pm na ako nagising nuung nakatulog ako nung 9am. 3pm na ako nagising tapos natulog ulit ako ng 5pm hanggang 7pm. Hahaha. Puyat na puyat eh.

Ryan: Grabe.. Pero sabi nila nkakataba daw pgpupuyat? Haha. Totoo kaya yun?

Me: I don’t think so. Pumayat nga ata mukha ko eh :D nagkapimple lang ako kasi tapos na akong you know. Haha. Kaya nagkapimple, pero di na sana ako pinipimple eh. Litsi yan. Parey ikaw ah, bagay sa’yo yung gupit mong ganon. Eh kamusta na ba lovelife mo? Haha. Ex mo pa din ba? :)) (inaasar ko lang siya kasi di yan pala kwento sa buay pag-ibg ehhh :D)

Ryan: Anong you know? Baliw. Anong meron kay ex? Ahahaha! Wag kang magpupuyat gano, dadami pa pinples. Kulang na lang jar, strawberry jam ka na hahah! Ol ako parey, pinost na yung vid ng battle of the bands namin. Hahaha. :D

Me: Ay sayang di ko pa maopen yung laptop may sapak. Haha. Maya ko tignan :) Hahaha. Okay pero naadik pa ako. Pero papablooming na nga ako. Haha. Joke. Luuh? hahah. Ex padin loves mo? Ayie. Joke. Oh kwento ka nga paubos na to eh :D

Ryan: Wala na ako interes dun no. Pinagsawaan ko na, hahah. Joke lang! Doat lang pablooming n! anytime by now papasok ka na diba? Haha. Wag mo ng ubusin load mo parey, sayang lang din. Me: Anong wag ubusin ang load ko? Hindi ki man magets. Haha! I dunno. Pagdasal nga natin diba? Anyway, hindi ako nageexpect eh :) yes naman gumaganun. Hahaha! Ryan: Haha.. Bat di ka nageexpect? Dpat mag-aral ano.. Baka maubos immortal mow ah! Me: Masakit magexpect duhr! Eh? Natuwa akong katext ka eh. Haha. Dee joke. Sige parey next time na lang kapag unli aketch :D advance goodnight, sweet dreams. Ty. Ryan: Nah, ako kya nanggulo. Ahaha text ka pag may load w/ S ka na hehe. Sorey! Sge tnx din parey ah, goodnighhhht :* :)))

Tapos ako naman nung nabasa yung last part ng text niya. (What? Nagemoticon pa siya ng “:*” eh hindi naman ganon yunnnn! Tska yung “w/ S” ano daw? Litsi napaisip pa ako. Hahah. Di ko na nireplyan :))) Kasi baka maubos immortal ko eh) So ayun after non. Nararamdaman ko na naman yung sakit sa ulo ko. Ewan ko kung bakit. Naguumpisa sa eyes ko tapos sa ulo na. Maaayguleeet!! Until now na nagbblog ako masakit padin siya. Lagi na kasi akong nagpupuyat eh T.T which is bad sabi nga ni mama.

So ayun na kwento ko. Imma sleep na Tumbeleeeer !! :D 2:40

  

It’s raining !!! YAY ! I so love rain :D So cold tonight . Hihihi .

I dunno WHY . I feel so sleepy but my body doesn’t want to go to our bed . It’s like WTH ? So here I’am checking some blogs , reading their blogs as well as my blog . Listening to my BG Music , tweeting my friend Francis . And just thinkin’ about something . OKAY ! Off to bed in a bit .

  

Today is obviously a Father’s Day . So may mga nakikita ako sa FB na nagpopost ng pictures nila kasama yung daddy nila . HAHAH ! Edi happy father’s day sa papa ninyo ;)

AKO ? NVM ! hahah . OO na BITTER na kung BITTER ! :D Pero may kwento kasi iyan eh .

KWENTO KO BA ? hahah ! pilit muna :p hahah ! Dee sige kaya din naman ako nagblog kasi ikkwento ko talaga eh :D

RICHARD na lang tawag ko don . Di lang ako pati si kuya , ewan ko lang kay ate . Wala ewan ko ayoko na tinatawag siyang PAPA kapag nagtatanong yung mga kamag-anak namin / friends ko about don . Bitter ako eh . BAKIT ? Bakit nga ba Richard tawag ko don ? Una kasi pangalan naman niya yon . hahah ! Dee joke lang . Wala , parang di ko na siya tinituring na papa eh . OO eh . Eh sa ganon talaga ang naffeel ko eh . MASISISI niyo ba ako ? :D Siguro sa ngayon eh hindi . Kasi di ko pa inuumpisahan ang kwento eh . ahhah !

DATI .

Spoiled ako don :D hmmmm . OO favorite ako non eh , naalala ko pa nga ako inuutusan nila ate at kuya na manghingi ng pera . Kasi MALAKAS AKO DON ! hahahah . Kung ano yung gusto ko dati eh binibigay niya . SPOILED nga eh :> hahah ! Gustong gusto ko siya dati eh , kahit na grabe siya magpabawal ng kung anu-ano sakin . Mabait iyon ! DATI :) Dati pinaglalaba pa niya kami , siya nagluluto ng pagkain namin kahit na may trabaho siya . Ay oo nga pala isa siyang self-employed driver ng sarili naming jeep :D Yun ayaw niya na magtrabaho kami ni ate , mag-aral lang daw kami at siya gagawa nung mga yun . ANG BAIT NO ? hahah ! Tapos kapag wala si mama at kapag may sakit ako , siya ang tatabi sa tabi ko . Siya ang gigising kapag umaga para punasan ako o tignan kung mainit pa ako . Kapag may sakit ako lahat ng gusto ko binibigay niyan , nagagalit si maam kapag ganon . Ayaw kasi ni mama nasspoiled ako . Basta bibigyan ako nun ng pagkain na gusto ko kapag may sakit ako . O kahit wala akong sakit :D

Naalala ko pa dati nung umuwi lang ako ng mga 7pm kasi kailangan eh , may project pinalo niya ako . hahah ! Okay palo lang naman eh pero iyak ako non . :D HS na ako non eh . Bakit pa kailangan ? Tska for my school naman yun kaya ako umuwi ng ganon . Tapos nung 4th yr. ako eh may Retreat kami di ako uuwi sa bahay 2days 3nights ata yon . Ayaw niya akong payagan . hahah ! Ganon siya kaprotektado eh . Baka daw kung anong mangyari , pero wala siyang nagawa eh ! Tapos sa mga field trip simula nung 1-3rd yr. ata nun di ako nakasama , kasi ayaw niya eh ! Odiba grabe lang :D nung 4th yr. lang ako nakasama :D

NGAYON .

Nung 2010 ata yun eh . Wala nagbago na siya eh . Puhrang di na siya yung dati :D Hindi na talaga . Binilan siya ni mama ng cellphone dati . Ewan ko ba simula nun wala na . Nagbago na siya . May babae pala siya . hahah ! LANDI NO ? ANG POGI PA KAMO ! Nakakaasar lang yun ganon kasi sempre malaki na kami eh . 4th yr. na ako nung col. na sila ate :D Tska pa siya maggaganon ? Tapos , naalala ko inaaway niya pa si mama . Kasi kailangan niya ng pera gumagawa siya ng kwento about sa jeep , nasira daw ganito ganyan kailangan ng pampaayos . Si mama naman DESPERADO eh . Kaya naiintindihan ko , FIRST BF niya yon eh . Napangasawa pa . FIRST AND LAST NI MAMA . Galing no ? :D Ayun nagloan si mama ng malaki para sa jeep kasi gusto din ni Richard na kumuha pa ng isang jeep , pero 2nd hand. Ewan ko anong trip nun eh nasisira din naman . Yun , kaya pala niya kailangan ng pera eh kasi manganganak na yung babae niya at siya yung ama malamang . hahah ! Okay nagPBB sila eh . Dee p**a :D naasar lang ako nakapag nakkwento ko . hahah ! So ayun iniwanan niya kami . Nung April di na siya umuuwi samin . Di naman na ako nagtataka don . Galit lang din naman yung nararamdaman ko kaya AYOS LANG KAHIT WAG NA SIYANG UMUWI ! Si mama nung mga panahon na yun , walang ginawa kundi umiyak ng umiyak . I FEEL HER . Grabe eh . Ikaw ba naman iwan ng walang dahilan ? Ikaw iwan . Paisipin saan ka nagkulang ? Hindi ba sobrang sakit non ?

Ano bang kinaiinisan ko ? Ahhh ! Kasi nabaon kami sa utang eh dahil sa kanya . Alam mo yung feeling na kapag lalabas ka sa st. nyo eh alam mong pinaguusapan kayo ? hahah ! Tsismoso at tsismosa mga kapit-bahay namin eh . Nagawa din niya kasing mangutang sa dalawa naming kapit-bahay , tapos kay mama niya ipapabayad . Eh wala naman alam mama ko don . Siya din sinisisi ko kung bakit di ako nakakapag-aral ngayon ! BAKIT ? May pera naman kami dati eh . Di naman kami ganito dati eh . Ang layo ng dati sa ngayon namin eh . Noon walang trabaho si Richard , si mama ang nagttrabaho para samin . Kaya naman ni mama eh . Eh ngayon ba ? Hindi na kaya ni mama eh . Kasi may binabayaran pa siyang utang na iniwan ni Richard . Yun lang din naman . At dahil nagawa niya pang maghanap ng iba . DI NAKUNTENTO eh . hhahha ! Naasar lang ako sa mga tatay na ganyan .

Masisisi niyo ba ko ? Nasasa inyo naman yun . :D Sa totoo lang ayoko na lang din yun makita . Naasar nga ako kapag bigla na lang siyang sisingit sa panaginip ko . PESTE ! Ayoko ko siyang makita . hahah ! Ang sama niya eh . Yung kapatid , i mean MGA kapatid ni mama galit sa kanya . Halos lahat na ng kamag-anak ni mama galit sa ginawa niya . Hindi din nila expected na ganon siya .

Alam ko na dapat hindi ako ganito . Sabi nga ng iba "KUNG WALA SIYA WALA KA" alam ko naman yun . Thank you na lang din sa kanya . Kaya nga di ako nagpopost something ng about sa Father ngayong araw eh . hahah ! Actually di lang naman kami yung ganito siguro marami din diyan . Meron din yung mga pinsan ko . Sila juya joel kuya jeynor :D Yung papa din nila ganon . Tanggap naman namin . DESTINED na siguro na ganon mangyayari :D

At kung tatanungin niyo ako kung nakikita ko pa ba ? HINDI NA ! :) 2yrs na mahigit :D

Kaya ayun . HAPPY FATHER’S DAY sa mga Dad niyo ;)

END OF THE STORY .

  
Kapag ako nagkaLOVE LIFE ulet :)
  • I will call him "BABE" (ewan ko ! eh sa gusto ko babe eh . Puhrang ang ano lang bigkasin . Ang lambing na ewan)
  • I will love him from the bottom of my heart . ( aluuh ? Ganon naman kasi diba !)
  • Hindi ako gaanong magbabawal . Kung ano gusto niya gawin niya . Pero for Good naman ha ? :) Wag lang talaga yung manigarilyo please :) (ayoko na magbawal ! Baka makasakal ako ulit ng guy)
  • Gaya ng sinabi ko sa sarili ko dati HINDI AKO MAKIKIPAGBREAK no matter what happen ! Unless kung may THIRD PARTY na talaga . (Ayoko magregret kapag nakipagbreak ako sa isang mababaw na kadahilanan)
  • Hindi ako mangangaliwa . Sa kanya lang tingin ko . Ganon naman ako eh . (LOYAL lang dapat (:)
  • Kapag nagkaaway kami hindi ako magkkwento o magpapatama na sa fb/twitter . Ibblog ko lang na ako lang yung makakakita :) Bawas galit . Hindi ko ibbroadcast .
  • Hahabaan ko ulit ang aking pasensya .(Mahaba naman talaga to)
  • Ibibigay ko yung gusto niya . Wag naman yung mahirap . Pero kapag kayang gawan ng paraan sige lang .
  • Ituturing ko siyang parang bestfriend :)
  • Open lang ako sa kanya .
  • Hindi ako magsesecret !
  • Magiging GOOD GIRL ako . (eh good girl naman talaga ako eh.)
  • Hindi ako gaganti sa kanya kapag may ginawa siyang mali .(Masama yun eh !)
  • Hindi ko gagawin yung ayaw niya na gawin ko . (hindi na , hindi katulad dati na nasusuway ko)
  • I will do my very best to make him happy . Yung tipong makuntento na .
  • Pagkakatiwalaan ko siya ng buong buo . (Pero kapag sinira niya . Ge half na lang . O baka wala ng matira niyan ha ?!)
  • I will support him sa mga gusto niya . Wag lang sa babae ha. (masakit yon . Tanga lang ? susuportahan sa babae ?)
  • Kapag ako ang may mali hindi ako magtataas ng pride . Magsosorry ako sa kanya hanggang mapatawad ako .(Pero kapag nakulitan na sakin stop ko na . Hintayin ko na lang siyang kumalma)

G U S T O K O …

  • AKO LANG ! LOYAL din dapat . Walang iba . (except sa family)
  • Na hindi ganon kataas yung PRIDE niya pagdating sa’kin .
  • Maging masaya siya .
  • Na wag siyang masisinungaling sa’kin .
  • Na kapag alam niyang nagseselos ako eh marunong siyang dumistansya don sa babae .
  • Ng may SENSE OF HUMOR . (Shemay malakas impact sakin non)
  • Marunong makisakay sa biro ko :D
  • Na marunong siyang mabalance sa study / saken / at sa mga bagay na gusto niya .
  • Yung tipong magalang siya sakin . Hindi lang sakin pati na din sa mga relatives ko .
  • Marunong makisama sa mga kaibigan ko .
  • Marunong makiramdam na kapag nasasakal o nasasaktan ako sa kanya .(Wag Insensitive pre)
  • Open siya sakin . Yung tipong tinuturing din niya akong bestfriend .
  • Tatawagan niya ako .(Ang sweet ng ganon para sakin . Yung tatawagan ka .)
  • Mahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya . (ay kahit wag ng tumbasan yung pagmamahal ko sa kanya . Basta love niya ako gora na.)
  • Tatanggapin kung ano ako .
  • Down to earth .
  • Ipapaalam niya sa’kin kung asan siya para hindi ako mag-aalala :D

A Y O K O N G …

  • Gagawin akong TANGA .
  • Lalaking ang hilig makipag break ng maraming beses tapos babalik balik .(Ako mahihirapan non . Kasi ako si TANGGAP NG TANGGAP .)
  • Malandi .( umiwas ka sa tukso . Wag kang lumandi . Isipin mo ako)
  • Mabisyo . (Hindi kasi ako mabisyo . Pero mga lalaki eh ganon . Wag yung malala grabe.)
  • Nagyoyosi (ayoko kasi talaga yung amoy non ! Gusto mong di ako makahinga ?)
  • Manloloko . )Baka mapatay kita ? Kayong dalawa actually . Ay te ? Pag NO OTHER WOMAN ang peg ? hahaha ! jk lang iyon :D)
  • User na tao .
  • Masyadong mataas ang pride . (Kainin din kung minsan .)
  • Immature /Childish . Yung OA lang .
  • Lalaking kapag alam ng nagseselos ako eh mas gagawa pa ng paraan para pagselosin pa ako . Shunga lang ?
  • Masyadong mahigpit . Tao lang din ako nasasakal tulad niyo .
  • Masumbat na boyfriend . Tipong may ginawa siyang bagay sa’yo . Kapag nag-away kayo eh isusumbta na niya yon .
  • Hindi sweet na lalaki . (aww please wag yung ganito )
  • Hindi GENTLEMAN .
  • Hindi magalang . (Bastusan ?)
  • Masakit kung magsalita . (Watch your words nigga . May feelings din ako .)
  • Boring kasama . (aluuh ? Wala ayoko ng ganyan . Sino ba naman may gusto ?)
  • Puro salita . (Ipakita mo din .)
  • Isang lalaki na mangangako tapos hindi kayang tuparin . (Wag ka ng magpromise kung di mo din gagawin .)
  • Lalaki na hindi SHOWY .
  • Sumisigaw . (Di naman kasi ako binge !)
  • Lalaking ang hilig magmura ! (Aw ayoko ng ganyan talaga . Sakit sa bangs .)
  • Makitid mag-isip . (Lawakan naman yan .)
  • Manhid na tao .
  • Bad Influence sakin .

Okay alam niyo madami pa yan . Nasabi ko lang yung mga ganyang bagay kasi gusto ko talaga na ganyan ang mangyari . Kapag nahanap ko na ulit si "SOMEONE KO" gagawin ko talaga yan . Hindi ko kakalimutan . Magoopen ako ng tumblr para ulit ulitin kong basahin iyan :) Ayoko ng may masasakal sa’kin . Kung ano man yung mali ko dati , hindi ko na ulit gagawin sa pangalawa . Sempre ano ba . Mali na nga eh uulitin pa ? Sempre ayoko mangyari ulit yung ganon . Ayoko ng maiksing relasyon . (Para sakin ang month/s eh maiksi lang) Gusto ko Yr/s :D Sorry pero gusto ko yung pang matagalan . O kaya naman FOREVER na . Kapag kasi ako nainlove eh inlove talaga . Pag nagbigay ako ng love sa isang tao BUO talaga . Tipong konti lang natitira para sakin . Kasi kapag nasaktan ako eh . Wala na MASAKIT NA MASAKIT talaga . hahah !

Gusto ko yung mga tipong ganon . Halos lahat naman ata ng babae yan yung gusto nila eh .

Takot talaga akong maATTACHED ngayon . Ayoko pa . Ayoko ng ganito ganyan . Puhrang hindi pa ako ready . Kahit gustuhin ko man . Parang ayoko makameet ng NEW . Hindi naman ibig sabihin eh sa PAST padin ako ha . Adik ! Tagal na non eh . Hindi ganon yon . Siguro may tamang panahon para dyan .

Nagnote lang ako sa sarili ko . Minsan kasi ang gulo ko eh . Puhrang eggcited ako ! hahaha . Mainlove ulet ? Hmmm . Ang saya kaya ng feeling . Nakakamiss yung ganong feeling eh . Yung tipong may ka “I LOVE YOU” “I MISS YOU” ka :D hahah .

Ako sa totoo lang puhrang ang awkward siguro sakin kapag may ganon ulit . hahah ! Ang tagal na din kasi .

Hay kapag ako talaga nagkalovelife ulet . ANG SWERTE MO/KO ? sana BOTH :D Sabi naman ng kaibigan ko "ALL GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT" hindi naman minamadali iyan eh . Chill lang ako dyan . Wala din akong pake kung iyong mga kaibigan ko eh may mga love life . Halos lahat na nga sila merong ganon eh . hahaha ! Hindi ko dapat kainggitan yung ganong bagay :)

Okay ! Sa wakas inaantok na din ako . hahaha ! Naisip ko lang talaga ito kasi wala akong magawa and i can’t sleep pa kasi . Pero TOTOO ! Yan ang mga gusto kong mangyari :)

GOODMORNING 3:10AM

pinost ko ulit ! :)

  

I woke up early para lang sa kanina . Hmmm mga exactly 7am ako nagising . Luuuh ? Nagulat talaga ako sa oras eh . Ewan ko ba . Kasi usapan namin ni B eh 8AM kami magkikita . Tapos late na ako nagising eh mabagal ako kumilos . BODY CLOCK sipain kita dyan eh ! hahaha . Tapos ayon naligo kagad ako pag gising ko . Kahit alam kong hindi dapat , masama kasi iyon eh . Bagong gising tapos maliligo ? Tamad na tamad ako kanina eh . Naliligo ako na muntanga inaatok pa . hahah !

Then tinext ko kagad si B sabi ko 9/10AM na lang kami magkita . Eh late din pala siya nagising eh . So ayun naumpisahan ko pa nga yung laban nang BOS at MIA eh ! Wala TAMBAAAK ! Ewan ko nga kung sino nanalo eh , may kapustahan pa naman ako ng gift sa FFSNG :)))

Umalis ako mga 9:30 dito sa bahay . Nagmamadali ako since malapit na si B . Nahirapan ako makasakay ng Morayta walang masyadong dumadaan pa so i’ve decided na magparecto na lang ako . Ayon na kakatext ko kay B eh lumagpas ako . Hala takbo ako ng takbo kasi si B nasa Ever na . ahahah !

Pag dating ko sa Ever sakto tumawag sakin si B , hindi ko marinig eh kaya pinatay ko na lang :D Pumasok ako sa loob . Andon pala siya :) sabi niya "tagal mo :)" tas ako tumakbo ako palapit sa kanya :D hahaha ! niyakap ko sya sabi ko "namiss kita ! :D" Tapos lumabas na kami sa Ever nagpasama muna ako don sa may Admin para itanong kung naapprove ba iyong PN ni ate . hahah ! Tapos nagpunta kami sa I.D Section para kunin ko iyong I.D ni ate , nasa kaibgan niya kasi . After non si B naman sinamahan ko . Nagwithdraw siya magbabayad kasi siya eh . Nung nagbayad na kami , pumunta ulit kami sa admin :D sa PN Result para iclear na yung sa kanya at makapagenroll na siya . Andon lang ako sa gilid nagaantay sa kanya . :D

May nakita akong babae . Wala lang nakatayo , parehas kami . Akala ko may inaatay siya . Baka mama niya sinamahan si o kaibigan niya . Tinanong ko siya "may kasama ka ? :)" sabi niya "wala ako lang :)" sabi ko naman "anong inaantay mo ? :D" sabi naman niya "iyong result kasi eh . sabi mamayang 4PM ka , aantayin ko na lang :)" sabi ko "grabe 4pm eh 11am palang . hahaha !" Meron pa yan . Siya si BETHEL ! :) Nagandahan ako sa kanya eh . Di kasi sya mamake up :D ang simple lang niya :) Tapos sinama ko sya samin ni B since wala naman siyang kasama pa eh .

Nagpunta kaming KFC , 4 na kami non kasi may kasama si B na classmate niya :) Hindi kumain si Bethel , busog pa daw kasi siya eh so tatlo ni B at nung isa nakalimutan ko na name niya eh . Tapos may sumingit na matanda eh nauna kami sa table . PANIRA eh . ahhah ! Pero hinayaan na namin . Don padin kami . Kasama namin yung matanda habang kumakain . :D Umalis kagad kami pag tapos kumain , hindi katulad nung ibang kumakain na nakikipagkwentuhan pa !! Eh ang daming nagaantay ! GIVE CHANCE KASI ! :)

Bumalik kaming PIYU :) Tas nagkahiwalay na kami nila B at nung classmate niya punta kasi siyang pasay eh . Eh ako inaatay ko si Jhoanna para don sa invitation na iaabot niya :D Kaya kami muna ni Bethel ang magkasama . Naupo kami don sa dati naming inuupuan ni Tae Cha . Don sa may tapat ng SB :) Nagkwentuhan kami ulit ni Bethel . Ang bait non nagshare siyang about sa kanya ganon din naman ako :D

Ay naalala ko . Nakita ko nga pala si Nicole :) nung nakasalubong ko si Nicole tinawagan ko kagad si Jela eh :D hahah !

Tapos si Jela tinext ako gusto daw niyang makapasok sa piyu , nagpunta siya . Nagpasama ako kay Bethel na sunduin siya sa may mang inasal . :D Tapos di kami kagad nakapasok na dalawa ni Jela ang higpit don sa Gate 4 and 3 eh . Kaya sa 2 kami pumasok . Ayon na umupo ulit kami sa dati naming inupuan :D

Tinawagan ko na si Jhoanna . Tanghali na din kasi wala pa siya eh :D Tas ayon ilang mins. lang dumating na din siya . Sinamahan namin siya . Then umalis na si Bethel :D So tatlo na lang kami ni Jela at Jhoanna magkasama . :D

Nagpunta kaming Mirriam nagpasama kasi si jhoanna eh . Bibili daw ng ribbon kasi nagkulang daw eh . Tas ayun pupunta din si Francis . Magkikita sila ni Jela . Dapat kasama ako kaso nagpasama na nauna si Jhoanna sakin eh . Dumating na si Francis sa Mirriam . ahahh ! SINISINGIL ako ! :))))

Tas lumabas na kami after non . Pumasok ulit kami ni Jhoanna sa school kasi yung kay Rhegine pa at don sa isa pa niyang kabigan aabutan niya ng invitation . Nagkwentuhan muna nagtawanan . Then umalis na din kami ni Jhoanna . Nagpunta na kaming dalawa sa SM ! hahhah .

Nakakapagod na non . Hinanap namin si Shane kasi iaabot sa kanya yung invi. kaso lumipat na daw pala . So si Zchealvin na lang pinuntahan namin :) Nagpunta na kaming SM . Nagantay sa may GL :) May mga nakita kaming tiga ESPS :) deadma lang :D hahah ! dumating na si Zchealvin . Ayon naupo muna kami tas nagkwentuhan kaming tatlo ! Nagtawanan ! hahahaha . Ang dami naming mga napagusapan . Nagpicturan kami kaso hindi ko pa inaupload eh :D

Then mga 6 na non . Uwian na :D 7pm ako nakarating :) pagdating ko TULOG ako kagad . SOBRANG NAPAGOOOOD AKO EH :) Pero masaya naman :)

Osha matulog na ulit ako ! hahaha . zZzZz 1:14am

END of the STORY .

  

HAHAHAH ! Sinong hindi mapapagod . Ang aga mo nagising para samahan yung kaibigan at makita na din sempre . Nag antay ng ilang oras . May nakilalang bagong kaibigan . Nagsundo ng kaibigan . Nagantay . Umupo buong umaga hanggang tanghali . Makipagkwentuhan at tawanan . Lumakad . Lumabas , pasok labas pasok ulit . Tapos Mirriam , SM ! potek . hahah !

Kaya pag dating ko talaga kaninang 7 tulog kagad ako eh . DI KINAYA NG POWERS KO ! :) Pero masaya ako :D

Tagged as: #tired #personal 
  

Everytime na nakikita ko tong pet na to sa profile ko sa FFSNG eh NABABANAS lang ako ! Ang tanga ko kasi eh , pinaniwalaan ko pa yan . SCAMMER naman pala -.- HAAAY ! Pati ba naman sa LARO “LANG” may SCAMMER pa ? Hindi naman totoo yung pera eh . Pero bakit kailangan mag ganon ? TARANTADO ! NAASAR lang talaga ako eh . Ayokong magpunta na sa profile ko hangga’t nasakin padin yang babae na yan . TIGAS MUKHA ! Blinock pa ako kagad . Silang dalawa i mean nung partner niya . Blinock ako after ko ibuy yang pet niya . UH OH !

Nalugi kasi ako eh . At eto na lang natira sa pera ko :( Kanina guess what 93M ang pera ko tapos eto na lang natira . Nakakagigil lang . Ang hirap kasi talaga mag earn ng money don eh . Lalo na kapag hindi A/D yung pet mo . Kanina nakipag bidwar ako sa mga newbie . Pero lamoyon ? Nakaearn ako dee tuwang tuwa ako kasi nabuy yung 3 pets ko eh . Natira sa’kin si francis tapos yan dumating yang babae na yan . Dapat pala di talga ako nagtiwala don eh . KAASAR >.

Buti na lang yung owner ko kahit englisero eh magbibigay padin siya ng advice sa’kin . Madali lang kasi talaga yun pera sa kanya eh . I mean ang bilis niyang mag earn ng money . Binigyan niya pa ako ng TIPS para don . Ang bait no ?

Tapos may mga nasabi din sa’kin ng ganito . Kasi alam nila don eh . Kapag may scammer . Eh ako ? Hindi ko alam kung mababawi ko pa yung pera . Nagcomment ako sa mga naging friends ko don at pinareport ko na sila . ANG EPAL kasi masyado . Tas yung isang kasama pa nung pet ko eh ngprivate kad ULOL niya . buset .

MY FAULT ! tama yang owner ko hindi dapat ganon . Ang dali lang sabihin para sa kanya na hindi pa expensive yung ganyang value . Eh kasi di naman talaga pero sempre kung hirap kang magearn ng money para sa’yo expensive na talaga yan . Magaling kasi siyang maearn ng cash kaya ganyan na lang din makapagsalita yang owner ko eh :)

totoo yung sinabi netong lalaki na to . Nung nascam ako kanina nawalan ako ng gana maglaro na ulit don . HAAAY ! Pero magiging A/D padin ako don . mawawala din naman kasi sila don eh .

para akongnsasabog sa inis kanina -.-

»