Kapag ako nagkaLOVE LIFE ulet :)
  • I will call him "BABE" (ewan ko ! eh sa gusto ko babe eh . Puhrang ang ano lang bigkasin . Ang lambing na ewan)
  • I will love him from the bottom of my heart . ( aluuh ? Ganon naman kasi diba !)
  • Hindi ako gaanong magbabawal . Kung ano gusto niya gawin niya . Pero for Good naman ha ? :) Wag lang talaga yung manigarilyo please :) (ayoko na magbawal ! Baka makasakal ako ulit ng guy)
  • Gaya ng sinabi ko sa sarili ko dati HINDI AKO MAKIKIPAGBREAK no matter what happen ! Unless kung may THIRD PARTY na talaga . (Ayoko magregret kapag nakipagbreak ako sa isang mababaw na kadahilanan)
  • Hindi ako mangangaliwa . Sa kanya lang tingin ko . Ganon naman ako eh . (LOYAL lang dapat (:)
  • Kapag nagkaaway kami hindi ako magkkwento o magpapatama na sa fb/twitter . Ibblog ko lang na ako lang yung makakakita :) Bawas galit . Hindi ko ibbroadcast .
  • Hahabaan ko ulit ang aking pasensya .(Mahaba naman talaga to)
  • Ibibigay ko yung gusto niya . Wag naman yung mahirap . Pero kapag kayang gawan ng paraan sige lang .
  • Ituturing ko siyang parang bestfriend :)
  • Open lang ako sa kanya .
  • Hindi ako magsesecret !
  • Magiging GOOD GIRL ako . (eh good girl naman talaga ako eh.)
  • Hindi ako gaganti sa kanya kapag may ginawa siyang mali .(Masama yun eh !)
  • Hindi ko gagawin yung ayaw niya na gawin ko . (hindi na , hindi katulad dati na nasusuway ko)
  • I will do my very best to make him happy . Yung tipong makuntento na .
  • Pagkakatiwalaan ko siya ng buong buo . (Pero kapag sinira niya . Ge half na lang . O baka wala ng matira niyan ha ?!)
  • I will support him sa mga gusto niya . Wag lang sa babae ha. (masakit yon . Tanga lang ? susuportahan sa babae ?)
  • Kapag ako ang may mali hindi ako magtataas ng pride . Magsosorry ako sa kanya hanggang mapatawad ako .(Pero kapag nakulitan na sakin stop ko na . Hintayin ko na lang siyang kumalma)

G U S T O K O …

  • AKO LANG ! LOYAL din dapat . Walang iba . (except sa family)
  • Na hindi ganon kataas yung PRIDE niya pagdating sa’kin .
  • Maging masaya siya .
  • Na wag siyang masisinungaling sa’kin .
  • Na kapag alam niyang nagseselos ako eh marunong siyang dumistansya don sa babae .
  • Ng may SENSE OF HUMOR . (Shemay malakas impact sakin non)
  • Marunong makisakay sa biro ko :D
  • Na marunong siyang mabalance sa study / saken / at sa mga bagay na gusto niya .
  • Yung tipong magalang siya sakin . Hindi lang sakin pati na din sa mga relatives ko .
  • Marunong makisama sa mga kaibigan ko .
  • Marunong makiramdam na kapag nasasakal o nasasaktan ako sa kanya .(Wag Insensitive pre)
  • Open siya sakin . Yung tipong tinuturing din niya akong bestfriend .
  • Tatawagan niya ako .(Ang sweet ng ganon para sakin . Yung tatawagan ka .)
  • Mahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya . (ay kahit wag ng tumbasan yung pagmamahal ko sa kanya . Basta love niya ako gora na.)
  • Tatanggapin kung ano ako .
  • Down to earth .
  • Ipapaalam niya sa’kin kung asan siya para hindi ako mag-aalala :D

A Y O K O N G …

  • Gagawin akong TANGA .
  • Lalaking ang hilig makipag break ng maraming beses tapos babalik balik .(Ako mahihirapan non . Kasi ako si TANGGAP NG TANGGAP .)
  • Malandi .( umiwas ka sa tukso . Wag kang lumandi . Isipin mo ako)
  • Mabisyo . (Hindi kasi ako mabisyo . Pero mga lalaki eh ganon . Wag yung malala grabe.)
  • Nagyoyosi (ayoko kasi talaga yung amoy non ! Gusto mong di ako makahinga ?)
  • Manloloko . )Baka mapatay kita ? Kayong dalawa actually . Ay te ? Pag NO OTHER WOMAN ang peg ? hahaha ! jk lang iyon :D)
  • User na tao .
  • Masyadong mataas ang pride . (Kainin din kung minsan .)
  • Immature /Childish . Yung OA lang .
  • Lalaking kapag alam ng nagseselos ako eh mas gagawa pa ng paraan para pagselosin pa ako . Shunga lang ?
  • Masyadong mahigpit . Tao lang din ako nasasakal tulad niyo .
  • Masumbat na boyfriend . Tipong may ginawa siyang bagay sa’yo . Kapag nag-away kayo eh isusumbta na niya yon .
  • Hindi sweet na lalaki . (aww please wag yung ganito )
  • Hindi GENTLEMAN .
  • Hindi magalang . (Bastusan ?)
  • Masakit kung magsalita . (Watch your words nigga . May feelings din ako .)
  • Boring kasama . (aluuh ? Wala ayoko ng ganyan . Sino ba naman may gusto ?)
  • Puro salita . (Ipakita mo din .)
  • Isang lalaki na mangangako tapos hindi kayang tuparin . (Wag ka ng magpromise kung di mo din gagawin .)
  • Lalaki na hindi SHOWY .
  • Sumisigaw . (Di naman kasi ako binge !)
  • Lalaking ang hilig magmura ! (Aw ayoko ng ganyan talaga . Sakit sa bangs .)
  • Makitid mag-isip . (Lawakan naman yan .)
  • Manhid na tao .
  • Bad Influence sakin .

Okay alam niyo madami pa yan . Nasabi ko lang yung mga ganyang bagay kasi gusto ko talaga na ganyan ang mangyari . Kapag nahanap ko na ulit si "SOMEONE KO" gagawin ko talaga yan . Hindi ko kakalimutan . Magoopen ako ng tumblr para ulit ulitin kong basahin iyan :) Ayoko ng may masasakal sa’kin . Kung ano man yung mali ko dati , hindi ko na ulit gagawin sa pangalawa . Sempre ano ba . Mali na nga eh uulitin pa ? Sempre ayoko mangyari ulit yung ganon . Ayoko ng maiksing relasyon . (Para sakin ang month/s eh maiksi lang) Gusto ko Yr/s :D Sorry pero gusto ko yung pang matagalan . O kaya naman FOREVER na . Kapag kasi ako nainlove eh inlove talaga . Pag nagbigay ako ng love sa isang tao BUO talaga . Tipong konti lang natitira para sakin . Kasi kapag nasaktan ako eh . Wala na MASAKIT NA MASAKIT talaga . hahah !

Gusto ko yung mga tipong ganon . Halos lahat naman ata ng babae yan yung gusto nila eh .

Takot talaga akong maATTACHED ngayon . Ayoko pa . Ayoko ng ganito ganyan . Puhrang hindi pa ako ready . Kahit gustuhin ko man . Parang ayoko makameet ng NEW . Hindi naman ibig sabihin eh sa PAST padin ako ha . Adik ! Tagal na non eh . Hindi ganon yon . Siguro may tamang panahon para dyan .

Nagnote lang ako sa sarili ko . Minsan kasi ang gulo ko eh . Puhrang eggcited ako ! hahaha . Mainlove ulet ? Hmmm . Ang saya kaya ng feeling . Nakakamiss yung ganong feeling eh . Yung tipong may ka “I LOVE YOU” “I MISS YOU” ka :D hahah .

Ako sa totoo lang puhrang ang awkward siguro sakin kapag may ganon ulit . hahah ! Ang tagal na din kasi .

Hay kapag ako talaga nagkalovelife ulet . ANG SWERTE MO/KO ? sana BOTH :D Sabi naman ng kaibigan ko "ALL GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT" hindi naman minamadali iyan eh . Chill lang ako dyan . Wala din akong pake kung iyong mga kaibigan ko eh may mga love life . Halos lahat na nga sila merong ganon eh . hahaha ! Hindi ko dapat kainggitan yung ganong bagay :)

Okay ! Sa wakas inaantok na din ako . hahaha ! Naisip ko lang talaga ito kasi wala akong magawa and i can’t sleep pa kasi . Pero TOTOO ! Yan ang mga gusto kong mangyari :)

GOODMORNING 3:10AM

pinost ko ulit ! :)