Kapag ako nagkaLOVE LIFE ulet :)
  • I will call him "BABE" (ewan ko ! eh sa gusto ko babe eh . Puhrang ang ano lang bigkasin . Ang lambing na ewan)
  • I will love him from the bottom of my heart . ( aluuh ? Ganon naman kasi diba !)
  • Hindi ako gaanong magbabawal . Kung ano gusto niya gawin niya . Pero for Good naman ha ? :) Wag lang talaga yung manigarilyo please :) (ayoko na magbawal ! Baka makasakal ako ulit ng guy)
  • Gaya ng sinabi ko sa sarili ko dati HINDI AKO MAKIKIPAGBREAK no matter what happen ! Unless kung may THIRD PARTY na talaga . (Ayoko magregret kapag nakipagbreak ako sa isang mababaw na kadahilanan)
  • Hindi ako mangangaliwa . Sa kanya lang tingin ko . Ganon naman ako eh . (LOYAL lang dapat (:)
  • Kapag nagkaaway kami hindi ako magkkwento o magpapatama na sa fb/twitter . Ibblog ko lang na ako lang yung makakakita :) Bawas galit . Hindi ko ibbroadcast .
  • Hahabaan ko ulit ang aking pasensya .(Mahaba naman talaga to)
  • Ibibigay ko yung gusto niya . Wag naman yung mahirap . Pero kapag kayang gawan ng paraan sige lang .
  • Ituturing ko siyang parang bestfriend :)
  • Open lang ako sa kanya .
  • Hindi ako magsesecret !
  • Magiging GOOD GIRL ako . (eh good girl naman talaga ako eh.)
  • Hindi ako gaganti sa kanya kapag may ginawa siyang mali .(Masama yun eh !)
  • Hindi ko gagawin yung ayaw niya na gawin ko . (hindi na , hindi katulad dati na nasusuway ko)
  • I will do my very best to make him happy . Yung tipong makuntento na .
  • Pagkakatiwalaan ko siya ng buong buo . (Pero kapag sinira niya . Ge half na lang . O baka wala ng matira niyan ha ?!)
  • I will support him sa mga gusto niya . Wag lang sa babae ha. (masakit yon . Tanga lang ? susuportahan sa babae ?)
  • Kapag ako ang may mali hindi ako magtataas ng pride . Magsosorry ako sa kanya hanggang mapatawad ako .(Pero kapag nakulitan na sakin stop ko na . Hintayin ko na lang siyang kumalma)

G U S T O K O …

  • AKO LANG ! LOYAL din dapat . Walang iba . (except sa family)
  • Na hindi ganon kataas yung PRIDE niya pagdating sa’kin .
  • Maging masaya siya .
  • Na wag siyang masisinungaling sa’kin .
  • Na kapag alam niyang nagseselos ako eh marunong siyang dumistansya don sa babae .
  • Ng may SENSE OF HUMOR . (Shemay malakas impact sakin non)
  • Marunong makisakay sa biro ko :D
  • Na marunong siyang mabalance sa study / saken / at sa mga bagay na gusto niya .
  • Yung tipong magalang siya sakin . Hindi lang sakin pati na din sa mga relatives ko .
  • Marunong makisama sa mga kaibigan ko .
  • Marunong makiramdam na kapag nasasakal o nasasaktan ako sa kanya .(Wag Insensitive pre)
  • Open siya sakin . Yung tipong tinuturing din niya akong bestfriend .
  • Tatawagan niya ako .(Ang sweet ng ganon para sakin . Yung tatawagan ka .)
  • Mahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya . (ay kahit wag ng tumbasan yung pagmamahal ko sa kanya . Basta love niya ako gora na.)
  • Tatanggapin kung ano ako .
  • Down to earth .
  • Ipapaalam niya sa’kin kung asan siya para hindi ako mag-aalala :D

A Y O K O N G …

  • Gagawin akong TANGA .
  • Lalaking ang hilig makipag break ng maraming beses tapos babalik balik .(Ako mahihirapan non . Kasi ako si TANGGAP NG TANGGAP .)
  • Malandi .( umiwas ka sa tukso . Wag kang lumandi . Isipin mo ako)
  • Mabisyo . (Hindi kasi ako mabisyo . Pero mga lalaki eh ganon . Wag yung malala grabe.)
  • Nagyoyosi (ayoko kasi talaga yung amoy non ! Gusto mong di ako makahinga ?)
  • Manloloko . )Baka mapatay kita ? Kayong dalawa actually . Ay te ? Pag NO OTHER WOMAN ang peg ? hahaha ! jk lang iyon :D)
  • User na tao .
  • Masyadong mataas ang pride . (Kainin din kung minsan .)
  • Immature /Childish . Yung OA lang .
  • Lalaking kapag alam ng nagseselos ako eh mas gagawa pa ng paraan para pagselosin pa ako . Shunga lang ?
  • Masyadong mahigpit . Tao lang din ako nasasakal tulad niyo .
  • Masumbat na boyfriend . Tipong may ginawa siyang bagay sa’yo . Kapag nag-away kayo eh isusumbta na niya yon .
  • Hindi sweet na lalaki . (aww please wag yung ganito )
  • Hindi GENTLEMAN .
  • Hindi magalang . (Bastusan ?)
  • Masakit kung magsalita . (Watch your words nigga . May feelings din ako .)
  • Boring kasama . (aluuh ? Wala ayoko ng ganyan . Sino ba naman may gusto ?)
  • Puro salita . (Ipakita mo din .)
  • Isang lalaki na mangangako tapos hindi kayang tuparin . (Wag ka ng magpromise kung di mo din gagawin .)
  • Lalaki na hindi SHOWY .
  • Sumisigaw . (Di naman kasi ako binge !)
  • Lalaking ang hilig magmura ! (Aw ayoko ng ganyan talaga . Sakit sa bangs .)
  • Makitid mag-isip . (Lawakan naman yan .)
  • Manhid na tao .
  • Bad Influence sakin .

Okay alam niyo madami pa yan . Nasabi ko lang yung mga ganyang bagay kasi gusto ko talaga na ganyan ang mangyari . Kapag nahanap ko na ulit si "SOMEONE KO" gagawin ko talaga yan . Hindi ko kakalimutan . Magoopen ako ng tumblr para ulit ulitin kong basahin iyan :) Ayoko ng may masasakal sa’kin . Kung ano man yung mali ko dati , hindi ko na ulit gagawin sa pangalawa . Sempre ano ba . Mali na nga eh uulitin pa ? Sempre ayoko mangyari ulit yung ganon . Ayoko ng maiksing relasyon . (Para sakin ang month/s eh maiksi lang) Gusto ko Yr/s :D Sorry pero gusto ko yung pang matagalan . O kaya naman FOREVER na . Kapag kasi ako nainlove eh inlove talaga . Pag nagbigay ako ng love sa isang tao BUO talaga . Tipong konti lang natitira para sakin . Kasi kapag nasaktan ako eh . Wala na MASAKIT NA MASAKIT talaga . hahah !

Gusto ko yung mga tipong ganon . Halos lahat naman ata ng babae yan yung gusto nila eh .

Takot talaga akong maATTACHED ngayon . Ayoko pa . Ayoko ng ganito ganyan . Puhrang hindi pa ako ready . Kahit gustuhin ko man . Parang ayoko makameet ng NEW . Hindi naman ibig sabihin eh sa PAST padin ako ha . Adik ! Tagal na non eh . Hindi ganon yon . Siguro may tamang panahon para dyan .

Nagnote lang ako sa sarili ko . Minsan kasi ang gulo ko eh . Puhrang eggcited ako ! hahaha . Mainlove ulet ? Hmmm . Ang saya kaya ng feeling . Nakakamiss yung ganong feeling eh . Yung tipong may ka “I LOVE YOU” “I MISS YOU” ka :D hahah .

Ako sa totoo lang puhrang ang awkward siguro sakin kapag may ganon ulit . hahah ! Ang tagal na din kasi .

Hay kapag ako talaga nagkalovelife ulet . ANG SWERTE MO/KO ? sana BOTH :D Sabi naman ng kaibigan ko "ALL GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT" hindi naman minamadali iyan eh . Chill lang ako dyan . Wala din akong pake kung iyong mga kaibigan ko eh may mga love life . Halos lahat na nga sila merong ganon eh . hahaha ! Hindi ko dapat kainggitan yung ganong bagay :)

Okay ! Sa wakas inaantok na din ako . hahaha ! Naisip ko lang talaga ito kasi wala akong magawa and i can’t sleep pa kasi . Pero TOTOO ! Yan ang mga gusto kong mangyari :)

GOODMORNING 3:10AM

pinost ko ulit ! :)

  

I woke up early para lang sa kanina . Hmmm mga exactly 7am ako nagising . Luuuh ? Nagulat talaga ako sa oras eh . Ewan ko ba . Kasi usapan namin ni B eh 8AM kami magkikita . Tapos late na ako nagising eh mabagal ako kumilos . BODY CLOCK sipain kita dyan eh ! hahaha . Tapos ayon naligo kagad ako pag gising ko . Kahit alam kong hindi dapat , masama kasi iyon eh . Bagong gising tapos maliligo ? Tamad na tamad ako kanina eh . Naliligo ako na muntanga inaatok pa . hahah !

Then tinext ko kagad si B sabi ko 9/10AM na lang kami magkita . Eh late din pala siya nagising eh . So ayun naumpisahan ko pa nga yung laban nang BOS at MIA eh ! Wala TAMBAAAK ! Ewan ko nga kung sino nanalo eh , may kapustahan pa naman ako ng gift sa FFSNG :)))

Umalis ako mga 9:30 dito sa bahay . Nagmamadali ako since malapit na si B . Nahirapan ako makasakay ng Morayta walang masyadong dumadaan pa so i’ve decided na magparecto na lang ako . Ayon na kakatext ko kay B eh lumagpas ako . Hala takbo ako ng takbo kasi si B nasa Ever na . ahahah !

Pag dating ko sa Ever sakto tumawag sakin si B , hindi ko marinig eh kaya pinatay ko na lang :D Pumasok ako sa loob . Andon pala siya :) sabi niya "tagal mo :)" tas ako tumakbo ako palapit sa kanya :D hahaha ! niyakap ko sya sabi ko "namiss kita ! :D" Tapos lumabas na kami sa Ever nagpasama muna ako don sa may Admin para itanong kung naapprove ba iyong PN ni ate . hahah ! Tapos nagpunta kami sa I.D Section para kunin ko iyong I.D ni ate , nasa kaibgan niya kasi . After non si B naman sinamahan ko . Nagwithdraw siya magbabayad kasi siya eh . Nung nagbayad na kami , pumunta ulit kami sa admin :D sa PN Result para iclear na yung sa kanya at makapagenroll na siya . Andon lang ako sa gilid nagaantay sa kanya . :D

May nakita akong babae . Wala lang nakatayo , parehas kami . Akala ko may inaatay siya . Baka mama niya sinamahan si o kaibigan niya . Tinanong ko siya "may kasama ka ? :)" sabi niya "wala ako lang :)" sabi ko naman "anong inaantay mo ? :D" sabi naman niya "iyong result kasi eh . sabi mamayang 4PM ka , aantayin ko na lang :)" sabi ko "grabe 4pm eh 11am palang . hahaha !" Meron pa yan . Siya si BETHEL ! :) Nagandahan ako sa kanya eh . Di kasi sya mamake up :D ang simple lang niya :) Tapos sinama ko sya samin ni B since wala naman siyang kasama pa eh .

Nagpunta kaming KFC , 4 na kami non kasi may kasama si B na classmate niya :) Hindi kumain si Bethel , busog pa daw kasi siya eh so tatlo ni B at nung isa nakalimutan ko na name niya eh . Tapos may sumingit na matanda eh nauna kami sa table . PANIRA eh . ahhah ! Pero hinayaan na namin . Don padin kami . Kasama namin yung matanda habang kumakain . :D Umalis kagad kami pag tapos kumain , hindi katulad nung ibang kumakain na nakikipagkwentuhan pa !! Eh ang daming nagaantay ! GIVE CHANCE KASI ! :)

Bumalik kaming PIYU :) Tas nagkahiwalay na kami nila B at nung classmate niya punta kasi siyang pasay eh . Eh ako inaatay ko si Jhoanna para don sa invitation na iaabot niya :D Kaya kami muna ni Bethel ang magkasama . Naupo kami don sa dati naming inuupuan ni Tae Cha . Don sa may tapat ng SB :) Nagkwentuhan kami ulit ni Bethel . Ang bait non nagshare siyang about sa kanya ganon din naman ako :D

Ay naalala ko . Nakita ko nga pala si Nicole :) nung nakasalubong ko si Nicole tinawagan ko kagad si Jela eh :D hahah !

Tapos si Jela tinext ako gusto daw niyang makapasok sa piyu , nagpunta siya . Nagpasama ako kay Bethel na sunduin siya sa may mang inasal . :D Tapos di kami kagad nakapasok na dalawa ni Jela ang higpit don sa Gate 4 and 3 eh . Kaya sa 2 kami pumasok . Ayon na umupo ulit kami sa dati naming inupuan :D

Tinawagan ko na si Jhoanna . Tanghali na din kasi wala pa siya eh :D Tas ayon ilang mins. lang dumating na din siya . Sinamahan namin siya . Then umalis na si Bethel :D So tatlo na lang kami ni Jela at Jhoanna magkasama . :D

Nagpunta kaming Mirriam nagpasama kasi si jhoanna eh . Bibili daw ng ribbon kasi nagkulang daw eh . Tas ayun pupunta din si Francis . Magkikita sila ni Jela . Dapat kasama ako kaso nagpasama na nauna si Jhoanna sakin eh . Dumating na si Francis sa Mirriam . ahahh ! SINISINGIL ako ! :))))

Tas lumabas na kami after non . Pumasok ulit kami ni Jhoanna sa school kasi yung kay Rhegine pa at don sa isa pa niyang kabigan aabutan niya ng invitation . Nagkwentuhan muna nagtawanan . Then umalis na din kami ni Jhoanna . Nagpunta na kaming dalawa sa SM ! hahhah .

Nakakapagod na non . Hinanap namin si Shane kasi iaabot sa kanya yung invi. kaso lumipat na daw pala . So si Zchealvin na lang pinuntahan namin :) Nagpunta na kaming SM . Nagantay sa may GL :) May mga nakita kaming tiga ESPS :) deadma lang :D hahah ! dumating na si Zchealvin . Ayon naupo muna kami tas nagkwentuhan kaming tatlo ! Nagtawanan ! hahahaha . Ang dami naming mga napagusapan . Nagpicturan kami kaso hindi ko pa inaupload eh :D

Then mga 6 na non . Uwian na :D 7pm ako nakarating :) pagdating ko TULOG ako kagad . SOBRANG NAPAGOOOOD AKO EH :) Pero masaya naman :)

Osha matulog na ulit ako ! hahaha . zZzZz 1:14am

END of the STORY .

  
Roses are red ; Violets are blue ; nothing in this crazy world could KEEP ME FROM LOVING YOU ! ;)
Tagged as: #juxipin (: